Kuha ng visprinthub.com |
"ANIM NA SABADO NG BEYBLADE"
Hindi madaling ilahad ang personal na karanasan lalo na at ito ay pribado, ngunit si Ferdinand Pisigan Jarin walang takot na inilahad ang kanyang mga karanasan kahit ito ay sensitibo.
Si Ferdinand Pisigan Jarin ay isang manunulat, musikero at guro. Ilang beses na rin siyang naparangalan at nakatanggap ng Don Carlos Palanca Award, Siya ay nakatira sa Cembo, Makati City Ang akdang ito ni Ferdinand ay magaan, ang mga salita ay mababaw madaling intindihin. Ang setting ay diyan diyan lang, malapit lang. Nasa maynila lang, Ipinapakita ng akdang ito ang kasalukuyang buhay ng isang normal na mamamayang pilipino na maaaring nararanasan din ng marami sa atin. Hindi biro ang napagdaanan ni Ferdinand, mayroong pait, tamis at anghang ang mga pangyayari. Mga pangyayaring humubog sa pagkatao ni Ferdinand. Mga kuwento ng pag-ibig, pagkakaibigan at pamilya. Makikita natin dito ang tunay na kuwento ng buhay, walang dagdag at bawas pawang katotohanan lamang, tunay na drama at komedya ng buhay. Nang nabasa ko ang librong ito, ramdam ko ang emosyon ng manunulat, lalo na ang pighati na naramdaman niya noong nakikibaka sila ng kanyang anak sa sakit na cancer sa dugo, hindi niya malaman kung saan pa huhugot ng lakas upang maging matatag para sa kanyang anak. Dumating ang araw na sumuko na ang katawan ng kanyang anak. Doon niya ipinaramdamnsa mga mambabasa kung gaano kasakit mawalan ng mahal sa buhay.Isang librong hindi ko malilimutan.
v
No comments:
Post a Comment